Pelikula nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na Starting Over Again, kumita na ng P150-M sa loob ng 4 na araw lang

Piolo-Pascual-Toni-GonzagaCONGRATS NGA pala kina Toni Gonzaga, Piolo Pascual, Iza Calzado at sa lahat ng bumubuo ng pelikulang Starting Over Again. Tulad ng inaasahan, dahil nga sa ganda at nakakaiyak na trailer, ay kumita at hanggang ngayon ay pinipilahan nang husto ang pelikulang ito na in just 4 days ay naka-P150M gross na!

Aba’y ‘yung iba nga ay umuulit manood, dahil masyado silang naapektuhan ng pelikulang ito ni Direk Olive Lamasan na minsan lang magdirek, suwerte nang makaisang pelikula sa isang taon, pero markadong-markado sa kamalayan ng sambayanang Pilipino.

At natutuwa kami for Papa Piolo, dahil muli ay naibalik niya ang kanyang ningning sa box-office. Matatandaang kahit napakaganda ng On The Job ay hindi ito kumabog nang husto sa takilya, pati ‘yung sa kanila ni Angelica Panganiban noon.

Pero dahil sa pelikulang ito, marami na namang kababaihan ang nababaliw kay Papa Piolo.

At isa na nga rito si Aiko Melendez na parang sirang plaka sa kasasabing, “Ang guwapo talaga ni Papapi, hindi nakakasawa ang mukha. Kaya uulitin kong panoorin ito. Ang ganda kasi ng movie, Mother, eh. Sobra. Ang husay talaga ni Inang Olive sa mga ganyang tema. Nadadala ka talaga.”

 

AT ANG sabi nga ni Kris Aquino, “Good men always end on top!” kay Papa Piolo nu’ng mag-guest ito sa Aquino & Abunda Tonight. Mukha ngang ganito ang role na gustong-gusto ng mga tao kay Papapi. ‘Yung tipong kinakawawa, dahil lumulutang ang kanyang husay.

At ang nakatatuwa rito ay ang involvement ng Sunlife na ine-endorse ni Papapi sa istorya ng pelikula na in fairness, kami naman ay naniniwala talaga dito sa Sunlife, kaya maski kami ay nag-invest na rin dito.

Matatandaang si Piolo mismo ang endorser ng Sunlife kung saan meron pa siyang SunPiology na isang malaking tulong sa mga nangangailangan.

Kaya kung type n’yo eh, go na kayo sa facebook at i-like ang sunlife ph and start over again.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

2 thoughts on “Pelikula nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na Starting Over Again, kumita na ng P150-M sa loob ng 4 na araw lang

  1. super lakas tlaga ng muvie nila…by now mga 250m nyan kc nkka 50m per day since da 3rd day ….congrats k mama p..at least nkabawi naza samga sunod2 na flopsina nya…

Leave a Reply

Your email address will not be published.