Pelikula nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, ‘di na nakakikilig!

TIYAK NA MATUTUWA ang mga fans nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos kapag true na buntis na nga si Judai finally.

Sa amin nga, parang feeling namin, sa dami ng pinagdaanang dusa at hirap ni Judai para maabot ang kanyang tagumpay, aba, isang bonggang-bonggang blessing ‘yan mula kay Bro kung totoo man.

Sa set daw ng movie nila ni Sarah Geronimo ay halata na raw na lumalaki ang balakang ni Judai. Sign na kaya ‘yon na preggy na ang lola n’yo?

Anyway, kung totoo man, ang aming bonggang-bonggang pagbati kay Judai at kay Ryan.

NAPANOOD NA NAMIN ang Miss You Like Crazy nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. In fairness, para naman makatulong kami sa box-office ng pelikula ay nag-pay kami ng misis kong si Georgette, dahil siya talaga ang may gustong mapanood ito.

So go na kami ng Gateway nu’ng Monday. Obviously, ‘pag weekdays talaga, normally, hindi punuan ang last full show, dahil may pasok kinabukasan, ‘di ba?

So, nu’ng nasa loob na kami, siguro 1/4 lang ang nag-watch at 3/4 ang bakanteng upuan.

‘Pag Cathy Garcia-Molina ang direktor, may mga punches na sadyang nakatatawa kahit walang layuning magpatawa.  Pero sa pelikulang ito, hindi namin mahanap kung ano ‘yung kulang.

Parang alam n’yo ‘yon? May kulang, pero hindi mo mai-describe kung ano ang kulang. Siguro, kulang sa kilig moments.  Siguro, kaya rin hindi kami masyado kinilig, eh, dahil ang laki na ng ipinag-mature nina Bea at John Lloyd.

Hindi rin naging consistent ang jologs acting ni Bea. Madalas na nakalilimutan niyang jologs pala siya, dahil ang pormal-pormal niya sa ilang eksena.

Maganda rin sana ang signifance sa pelikula ng “bato” na sinusulatan nila pareho ni John Lloyd kung nai-establish kung ano’ng dahilan, ba’t bato ang sinusulatan ni Bea.

Kapansin-pansin din sa isang eksena, pagtayo sa bench ni Bea, basa ‘yung harapan niya, kaya me naririnig-rinig kaming, “Ay, basa….umihi!”

Ke John Lloyd naman,’ pag naka-manipis na damit, bakat na bakat ang utong. Parang may “susong bubot” si Lloydie, at nu’ng tineks namin si John Lloyd, aminado siyang pati siya ay hindi nagandahan sa kanyang katawan.

Hindi namin maikuwento sa inyo ang buod ng movie, dahil once in a while ay nakaiidlip kami. Siguro, sa sobrang pagod na rin sa pag-iikut-ikot namin sa District 3 ng Quezon City nu’ng hapon.

Kaya nu’ng tanungin namin ang aming misis kung nagandahan siya, ang sagot niya: “Okay naman siya. Simple lang ang istorya.”

‘Yun naman pala. So watch n’yo na rin. Baka mali naman ang aming obserbasyon, kasi nga, naidlip kami, eh, sorry po. Tao lang.

TULOY NA TULOY na ang mega major concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum. Ang title:  “May Nag-text…’Yung Totoo…Vice Ganda Sa Araneta!”

Sorpresa lahat ang mga guests ni Vice, pero ngayon pa lang na iniisip niyang Araneta ang kanyang pupunuin ay nape-pressure na ang lola n’yo.

“Juice ko, Mama, iniisip ko pa lang, parang ina-alopecia na ‘ko sa ulo. Para na ‘kong me mga poknat sa ulo sa sobrang tension at stress. Sana naman, maging successful, dahil juice ko, buwis-career ang gagawin ko ‘pag nag-flop ‘yan!”

Think positive, Vice. ‘Wag kang aayaw. Basta panatilihin lang ang mga paa sa lupa.

‘Wag n’yong kalilimutan ang “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa online, www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

26 thoughts on “Pelikula nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, ‘di na nakakikilig!

  1. laos na johnloyd bea, algur kris na ang uso pinakasikat na loveteam ngayon kahit yun katapat nilang kimerald inilampaso na nila

    • eew..eew..no offense who are they??For sure they’re not ABS-CBN stars ‘coz if they do we would probably knew them. If your against with John Lloyd-Bea and Kim-Gerald love team then just mind your own business ‘coz they don’t mind you nman e.!ha-ha-ha

  2. I still prefer the ONE MORE CHANCE mas more intense at maganda ang mga dialogue. Parang sobrang simply ang story ng MYLC there are moments na sobrang tahimik ang mga scenes naka fucos sa emotions, mukha at galaw …sorry this is just my observation the movie doesnt really moved me.

  3. Ang ganda kaya ng MYLC…. Ang mga taong hindi na aapreciate ang movie was either not watching the movie at all…Or not attentive…Or is not mature at all!

    If you had watched it well, you would understand…Ang dami ngang questions sa head ko about love dahil sa movie…Hahahha…It’s not spoonfeeding unlike other movies..This movie makes you THINK….

    It enhances your brains capacity to THINK…. Ibang level na ang bea-john lloyd tandem…Di na sila bagay mag pa tweetums kasi mga fans nila are mATURING na rin… At least lahat ng movies nila ay may mapupulot ka talagang aral… Unlike sa iba… na patweetums, kilig pero wala namang MORAL LESSONS na nakukuha.

    Kaya kahit ano pang sabihin ng iba jan… BEA-JOHN LLOYD will be forever! 8 years na sila… And still counting… Di na yan matitibag… Proven na ang kanilang tandem sa Box office at sa no. of years being together..Di pa rin nawawala ang kanilang kinang as LOVETEAM sa masa…

  4. Kasi po mang Ogie graduate na ang loveteam nina Bea at Lloydie sa pa-tweetums kaya wala nang masyadong kilig. Nalevel-up na sila as mature actors, therefore na-appreciate sila ng fans nila na nag-mature na din.
    It’s that easy to understand.

    And yun bato, ang turo kasi ng lola ni Mia (Bea) sa kanya, kapag may gusto syang ilabas ng problema, isulat nalang nya sa bato.

  5. Padding na naman yung sinasabi ng SC na 18million. E sabi ng mga officemates ko, pwede nga raw mag skateboard sa loob ng sinehan sa unti ng nanonood.

    • aayy..bakit po??Sa isang sinihan lang po ba pinalabas un??try to think of it..dugh?? And pwede if you don’t have anything good to say just don’t talk, nagkakasala ka lang. Even here in US inabangan talaga ung showing niyan. geez!

  6. i found MYLC as nakakakilig. besides, sinabi kaya sa movie kung bakit sa bato lagi sumusulat si bea (contrary to what you wrote – that the film didn’t state why:p), yun daw ung turo ng lolo nia, or was it her lola? bsta one of Mia’s (bea in the film) grandparents. maybe you slept while that part was playing hehe:p anyway, good luck to your talent’s show in araneta, imma watch, coz i love vice in showtime<3

  7. i already watched the movie of Bea and JLC, the story itself super ganda……i think the intention was the acting of the actors and not to make pakilig the whole movie process…….i highly recommend this movie,worth watching….i like all the casts and the director and writer….

  8. i love Bea and JLC so much pro d2 sa movie nila agree ako kay Ogie may kulang sa movie..d bagay kay Bea yung Jologs na role parang pilit.. pro ok lng nman xa choks na rin..

  9. da movie was really great, contrary to ur report. napanood ko cya 1st day ng showing, panoorin nyo rin guys, support pinoy movies lalo na star cinema may quality compared sa iba, di masasayang pera mo, nag enjoy ka na nakatulong ka pa, buy pinoy

  10. THE MOVIE WAS GOOD. Nanood ako kasi i like loydie and bea. With the bato, siguro nga nakatulog siya ng sinabi ni bea kay john loyd kung bakit siya sumusulat sa bato… basa ang harapan, kasi nga umiiyak na nakaupo. natural mababasa yung skirt sa harap na napatakan ng luha. proof yun na sobra ang iyak ni bea. nood kayo, hindi kayo magsisisi. ako, gabi na ng manuod sa movie house, but puno parin.

  11. kasi mas kilig si ogie ke luis ang john lloyd hahaha..
    hindi kita iboboto dahil dyan haha..personalan na to LOL!

  12. at least nasa next level na si john lloyd..lasengo na tulad ng syota nya si shaina lasennga na rin…sabagay masarap na pulutan si shaina este..yung pizza pala di tulad ni bea amoy panlinis sa ibabang bibig..lol

  13. papano pa kikiligin sa kanila eh puro scandal si johnlloyd!!! lasengero at babaero, nagsasabay ng babae!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.