Pelikula ni Vice Ganda, naka- P24 M sa unang araw!

KAMI AY NANINIWALA na kung naka-move on ka na sa isang relasyon, kahit ano pang bato sa ‘yo ng intriga, deadma na ito o ‘di kaya’y tinatawanan mo na lang. ‘Yun ang completely naka-move on na.

Pero halimbawang naisyuhan ka, tapos, pinatulan mo. Nag-react ka. Ipinaliwanag mo ‘yung panig mo. Nagmumukha ka lang defensive. Mas ramdam ‘yung katotohanang meron ka pa ring gusto du’n sa taong iniisyu ka pa rin. Kahit slight na pagkagusto lang.

Dahil kung wala na, sasagot ka pa ba? Tutulu-ngan mo pa bang lumaki ang isyu by way of getting even or fighting with the guy or with his current girlfriend? Hindi na dapat.

Hindi ko naman sinasabing matanda ka na at hayaan mo na ‘yan sa mga bata, pero ang tagal mo na sa industriyang ito, ‘wag mo na lang patulan para hindi na rin lumaki ang isyu. Lalo pang dumadami ang nakiki-join sa isyu, eh.

Ang ending niyan, pati mga kapamilya ng magkabilang kampo, makikisali na rin sa isyu. Iintindihin mo, dahil sino pa ba ang magdadamayan, ‘di ba?

Kaso, ang point lang namin, ang taas na ng estado ng aktres. Dapat sana, ‘wag na niyang patulan. ‘Wag niyang pababain ang level niya.

Dahil kahit ano pang explanation niya, hindi naman lahat, makukuha niyang maniwala sa kanya. Siyempre, kani-kanyang hukbo ng tagahanga ‘yan. Kaya mag-isip siya. Learn the art of deadma.

 

ALMOST P24M ANG first day gross ng second solo movie ni Vice Ganda, ang The Unkabogable Praybeyt Benjamin. Sa Twitter pa lang, binaha na kami ng mga papuri kay Vice at ‘yung sulit ang kanilang ibinayad sa sinehan at ipinila nang pagkahaba-haba.

‘Yung iba’y nagse-send pa sa Twitter ng picture na kuha sa celfone nila bilang patunay na ang haba talaga ng pila sa iba’t ibang sinehan.

‘Yung kumare nga naming taga-Bohol, pumayag na raw ‘yung sinehan sa kanila na magpasok na lang sa loob ng sinehan sa aisle ng monoblock chairs para lang ma-accommodate ang mga tao.

“Juice ko, ‘Day, malampasan lang ‘yung kinita ng ‘Petrang Kabayo,’ masaya na ‘ko. Sobra-sobrang blessed na ako niyan.  At siyempre, hindi lang naman ako ang nagtrabaho. Nandiyan pa ‘yung ibang artistang kasama ko, mga staff and crew at ang mga produ-cers ko, ang Star Cinema at ang Viva Films. At si Direk Wenn Deramas na ang swerte-swerte talaga ng team-up namin!”

Ang bonus ay hindi na masyadong iniisip ni Vice. The mere fact na pinupuri siya sa Twitter at ng ibang nakapanood, sapat na raw na bonus ‘yon.

“Pero mag-e-expect talaga ako ng bonus, ‘Day, ‘no! Prangkahan na ‘to! Dahil alam ko namang bibigyan nila ‘ko. Choosy pa ba? Hahahaha!”

 

MUKHANG MALAKAS ANG arrive talaga nitong si Paulo Avelino, dahil mapa-screen o personal naming makita, hindi nakakasawa ang mukha. Napaka-fresh at parang ‘pag nginitian ka, mahihiya kang hindi siya balikan ng ngiti rin.

Pero wala naman kaming gusto kay Paulo, ha? Dine-describe lang namin ang kanyang mukha sa inyo. Guwapo na at papalicious pa. Kaya sabi namin sa kanya, hindi siya nagkamali na maging Kapamilya.

Ang alam naman namin ay kasama siya sa Christmas serye ng ABS-CBN at napanood din namin siya sa Maalaala Mo Kaya bilang dyowa ni KC Concepcion. Mahusay magpatulo ng luha. Lalo na kung ita-timing niya.

Anyway, good luck kay Paulo at sana ay manatili siyang mabait at ma-PR.

 

NAKO, TRUE BA ‘to? Na isang malaganap na reality show na kilala nating lahat ay lilipat na sa ibang istasyon?

Ayon sa aming source, nabili na raw ang rights nito sa Endemol ng isang network para sa kanila na gawin ang reality show na alam naman nating lahat kung saan umeere ito, dahil ilang sikat na artista na ang produkto nito.

Anyway, ayaw naming pangunahan ang lahat. Abangan n’yo na lang kung saang channel. Basta hindi sa Channel V. Chos.

 

‘WAG N’YO NAMANG kalilimutang i-like sa facebook ang vibes tayo (www.facebook.com/vibestayo), dahil ito na ang pinakabagong teleradyo online namin ng kasamang si Rommel Placente.

You can watch us everyday, 4-5:30pm, maki-chat sa amin at pwede rin kayong magpabati basta naka-online kayo. Salamat po!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

13 thoughts on “Pelikula ni Vice Ganda, naka- P24 M sa unang araw!

  1. @cerah cerah ang face – I CAME FROM A BEAUTIFUL AND PEACEFUL PLACE UNLIKE YOU WHO CAME FROM THE BOWELS OF HELL……..HAHAHAHAHA……..ANG PANGIT NG FACE NI VICE CERAH CERAH AT BAKO BAKO……HAHAHAHA………….FLOPSINA TALAGA!!!!!!!!!!!!!!

  2. @shebie: idk where the hell u came from. This article is somehow about Vice ganda, not with ur idol Marian. Don’t be a bitter bitch! >:D I’ve seen the movie and it really deserves a 5 star :) Congrats Star Cinema, and to Vice ganda :)

  3. maraming mga bitter at inggitero dto kay vice , dati nirerefute nila ang success ng NO Other Woman, ngayon di pa rin sila naniniwala sa success ng Praybeyt Benjamin, Derek, ikaw na talaga. lahat ng pelikula na sinalihan mo kumita. Goodbye Piolo, Jericho at John Lloyd, si Derek na ang ultimate leading man.

  4. Tama ka Ogie, Ruffa should have kept quiet.  Dapat gayahin na lang niya si Marian..kahit totoo man or hindi..hindi na niya pinalalaki.  Isa pa gayahin rin niya si Gretchen, she knows how to handle stuff..magbibigay lang ng one liner, tapos.  Ika nga..walang usok kung walang sunog..tama ba?  Regarding Paulo..magaling itong taong ito. When he was in GMA sabi ki ko, this guy has acting skills..parang younger version ni Aga..mata pa lang may acting na.  Saka may charm nga siya..and versatile actor.  Katapat nito sa ABS si Coco.  Sayang ang GMA at pinakawalan nila ito at hindi inalagaan at grinoom..like sino ba yung sa Machete?  I hope ABS builds him up more as a leading man and a great actor.

  5. powtang ROFA! ang TANDA mo nah! anu ka bah?! ikiskis mo na lang yan sa pader o kaya pag tulog na ang baklang kapatid mo na si GAYmond, siya na lang halayin mo at sakyan!
    gagah ka dyan!

  6. Nag-stroll kaya kami ng mga beki friends ko sa SM north…walang pumapasok sa movie ni vice horsey…akala ng mga vaklah sarado ang sinehan!…24M? Baka magpaluwal ka pa nyan vaklush?

  7. 24M????????????POPULASYON BA NG METRO MANILA ANG TOPIC? ISANG WALANG KUENTANG PELIKULA NA NAMAN ANG INILABAS NG STAR CINEMA PLS WAG PO NATIN ITO PANOORIN AT PURO KAYABANGAN AT KABAKLAAN LANG PO ITO……..MANOOD NA LANG PO TAYO NG AMAYA SA GMA 7…….NO. 1 TALAGA SI MARIAN!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  8. Tama si Ogie, learn the art of deadma kasi maski ano pang gawin ni Ruffa, lalabas din lang naman na cheap ang dating nya dahil she was formerly involved kay Loydie at parang lalabas din na she has not really totally moved on yet. Si Ruffa ang mas matured sa kanilang tatlo, siya bali ang Ate sa kanila, she should just have shut her mouth and hindi na sumagot para hindi na lumala ang sitwasyon, kaya yon, lumaki dahil kada interview, dakdak ng dakdak at sya pa itong nagsimula e tweet ang mga pasaring at very obvious naman na her tweets are directed to Shaina. Tingnan mo si Maricar Reyes when she was in that scandal with Hayden Kho, she was very quiet even it was a real scandal, may video pa nga, pero she was and is still vey quiet about it, yon karamihan ng mga artista have respect for her regardless of her scandal kasi very prim ang dating nya sa scandalous situation nya.

  9. Hello,,Ogie mag-basa ka kaya at makinig,  hindi dahil nandiyan ka sa ABS-CBN pinalalabas mo nang masama si Ruffa…Hellowww sino ba ang tumawag kay Ruffa para mag-sorry sa ginawang kabastusan ni Shaina.????..tumigil ka nga diyan baka malag-lag pa iyang pustiso mo….GAGO ay sorry GAGA pala….

  10. Si Ruffing ang blind item ni Ogie. Tama, si Ruffa kaya ang tweet ng tweet tungkol kina Shaina at JLC? If she’s matured enough, she’ll let them be. Palibasa, walang nakatagal na lalaki sa kanya. Grow up!

    Congrats to Vice and Ogie sa success ng Praybeyt Benjamin! More projects to come!

    at si Paulo Avelino dapat talaga maging ma-PR para lalong mahalin. Ansaveh?!

  11. pag natuloy ang paglipat ng PBB sa ibang istasyon , they can kiss its populariy goodbye.
    sa ABS-CBN nagprosper ang show at di lng sa pinas ang sakop pati mga TFC subscribers, kung iginive up ng ABS-CBN ang franchise, fine pero kung Endemol ang naginitiate ng transfer, they will lose the populariy of the franchise eventually.

  12. Congratulations to Vice Ganda at sana Ogie, matuloy man ang paghihiwalay nyo bilang manager-talent , maging magkaibigan pa rin kayo at i hope makahanap ka rin ng bago mong ibibuild up at magkaroon ka rin ng mga bagong projects na ikaw ang bida dahil magaling ka rin na comedian. As for Paulo, i love him a lot at sila na ni JM ang bago kong paborito.

    Tama ka, eversince naging si Shaina at JLC lagi na lng sumasawsaw sa isyu ang isang matrona at laos na dating beauty queen. Wala na kasing pumapansin sa beauty nya na nawalan ng ningning nung lumipat sa isang istasyon dahil sa pera. Manahimik ka na at lalong nagiging cheap ang dati mo nang cheap na image.

    As for KC, be true to yourself , kung talagang di ka masaya sa piling ni Piolo, iwanan mo
    na at wag ka na magpagamit. You are an intelligent woman KC kaya wag ka padala sa mga taong sumusulsol sa iyo , you do not need them, they need you.

Leave a Reply

Your email address will not be published.