Pelikula ni Paolo Ballesteros, ‘di lang para sa mga beki

Paolo Ballesteros

Paolo Ballesteros

Marami ang nagsasabi na ang “Die Beautiful” na isa sa mga kalahok na pelikula sa darating na 2016 MMFF ang puwedeng manguna sa takilya. 
Base sa mga nakapanood na ng pelikula, maganda raw ito at very entertaining, kung saan ang role ni Paolo ay isang gay na kapag namatay siya, gusto niyang maganda pa rin siya. Ibang klase ang ginawa niya sa movie, kung saan naipakita niya ang mga pinagdaraanan ng mga nasa ikatlong lahi sa kanilang buhay- pag-ibig at pakikipagsapalaran sa buhay. 

Hindi lang naman ito para sa mga beki. Ang pelikula ay para sa lahat. Isa ito sa mga pelikulang ipinagmamalaki ng direktor nitong si Jun Robles Lana. Bukod kasi sa umani na ito ng tagumpay sa ibang bansa, maraming kritiko sa atin ang pumupuri sa kalidad ng pelikula.  

Showing na ang “Die Beautiful” sa December 25. Bukod kay Paolo, tampok din sa pelikula sina Iza Calzado, Gladys Reyes, Luis Alandy, at marami pang iba. 

Rodel Fernando
by Rod’s Nest

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.