Pelikula ni Lovi Poe, pinilahan sa takilya

Lovi Poe

Lovi Poe

Ang primera actress na si Lovi Poe ay lalong pinag-uusapan nitong mga nakaraang mga araw. Dahil ito sa kontrobersyal niyang pagganap sa “The Escort”. Sa bagong pelikulang ito, gumaganap si Lovi bilang Yassi na kumakayod para sa kanyang dalawang kapatid. Nakilala ni Yassi si Xyrus na ginagampanan ni Derek Ramsay, isang guwapo na marangyang lalaki, na nabighani kay Yassi.

Ngunit may mas malaking plano si Xyrus para kay Yassi. Nais niyang ipakilala si Yassi sa mundo ng mga escort. Isang milyonaryong si Gary Montenilla, na ginagampanan ni Christopher de Leon, ang papasok sa eksena. Nabighani rin ito kay Yassi dahil na rin sa pagpipilit ni Xyrus.

Pero napagtanto ni Xyrus na mahal niya si Yassi at ayaw na niya itong mawala pa sa kanya. Ang mga susunod na mangyayari ay walang katapusang mga salungatan sa pagitan ng mga tatlo.

Kinokonsidera ni Lovi Poe na ang kanyang papel sa “The Escort” ang pinakamahirap na kanyang ginawa sa kanyang karera.

“Ang pag-ganap bilang Yassi ay ang boldest karakter na aking ginampanan, boldest dahil ipinakikita rito ang aking panloob na karakter na ibubunyag sa istorya. ‘Di mabibili si Yassi lalo sa kanyang prinsipyo at hindi rin siya bobo, ngunit sa huli ay gagawin din niya ang mali na pagsisisihan niya at susundin din niya kung ano ang nasa puso niya,” sabi ni Lovi.

Bagama’t si Lovi ay nagkamit na ng maraming parangal, inamin niya na ang pagganap niya bilang Yassi sa “The Escort” ang isa sa pinakamahirap na niyang ginawa, at ito rin ang pinaka-sensual, dagdag pa niya.

Maganda ang takbo ng karera ni Lovi Poe ngayon. Bukod sa bongga ang kaniyang TV career, maganda rin ang itinatakbo ng kaniyang movie career. Marami ang pumuri sa kanyang acting sa “The Escort” na ngayon ay palabas pa rin at ratsada sa takilya. Super hit ang pelikula nila ni Derek Ramsay, kaya naman huwag nang magpahuli at makipila na rin sa mga sinehan.

Rodel Fernando
by Rod’s Nest

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.