Pekeng Pulis, Tiklo

ARESTADO ANG isang lalaki makaraang magpanggap itong isang pulis sa isinagawang checkpoint ng mga elemento ng Caloocan City Police habang sakay ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan City Chief of Police Senior Supt. Rimas Calixto ang naa-restong suspek na si Paolo Angelo, 45, ng Barangay Camarin ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng nasabing himpilan ng pulisya, bandang alas-11:00 ng gabi nang maaresto ang nasabing suspek sa isinagawang checkpoint nasabing lugar.

Nabatid na habang ang suspek ay sakay ng kanyang motorsiklo na walang plate number at nakasout ng bullcap na may tatak na PNP, kulay berseng camouflage short pants at jacket na may tatak namang lieutenant.

Kaagad na nagpakilalang pulis ang suspek at nang hanapan ito ng mga pulis ng identification card (ID) at badge ay wala itong maipakita dahilan upang ang suspek ay arestuhin.

Nang isalang ang suspek sa imbestigasyon ay napag-alaman na si Angelo ay may nakabinbin na kaso ng panghahalay at panghoholdap na naganap noong nakalipas na Sept. 2012.

Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police Station at ipaghaharap sa kasong Usurpation of Authority sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

 (ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.