Pekeng Pera Nagkalat Para sa Vote Buying

PINAG-IINGAT NG pambansang pulisya ang publiko hinggil sa pagkalat ng mga pekeng pera na posibleng magamit sa “vote-buying” ng mga tiwaling kandidato.

Sinabi ni PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo na partikular na tinututukan ng mga awtoridad ang mga malalayong lalawigan. Ito’y matapos nakatanggap ng impormasyon ang PNP na ilang mga kandidato sa mga lalawigan ang namimili na ng boto.

Tiniyak naman ng PNP na aarestuhin at sasampahan ng kaso ang sinumang nagpapakalat ng pera.

Una nang kinumpirma ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na ang vote buying ang isa sa nagdudulot ng sakit ng ulo sa komisyon sa tuwing sasapit ang eleksyon.

Samantala, sa panig naman ng PNP, nagiging normal na umano ang paglipana ng mga pekeng pera sa panahon ng halalan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.