Pekeng pera na-withdraw sa ATM

DUMULOG SA Digos PNP ang isang bangko kaugnay sa reklamo na kanilang natanggap mula sa isang 27-anyos na lalaki na naka-withdraw umano ng pekeng pera mula sa kanilang automated teller machine (ATM).

Una nang inireklamo ng biktima na si Niel Alegarbes, residente ng Lopez Jaena Extension, na nag-withdraw umano siya ng halagang P4,500 sa ATM machine ng Bangko de Oro (BDO) ngunit hindi niya napansin na peke pala ang P1,000 bill.

Nabigla na lamang umano ang biktima matapos sabihin sa kanya ng cashier sa isang department store kung saan gagamitin sana niya ito para bumili na peke raw ang kanyang pera.

Samantala, lumabas naman sa closed circuit television (CCTV) camera ng bangko na positibo na sa BDO nag-withdraw nga ng pera ang biktima.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan at ng BDO branch sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.