Pekeng pera, iniluwa ng ATM

HINDI SUKAT akalain ng isang babae na nagtatrabaho bilang isang sekretarya na makakapag-withdraw siya ng lilibuhing pekeng pera na nagmula sa Automated Teller Machine (ATM) sa Aklan.

Dumulog at hu-mingi ng tulong si Estrella Rosallios, 21, residente ng Brgy. Fatima, New Washington, Aklan sa Kalibo PNP upang i-report ang nasabing mga pekeng pera.

Una rito, inutusan umano si Rosallios ng kanyang manager na magwithdraw ng pera sa ATM ng Bank of the Philippine Island na kaagad namang tumalima.

Pagdating ng sekretarya sa pinagtatrabahuhan kaagad niyang ibinigay ang pera sa manager nito subalit napansin nito na may kakaiba sa pera at tiniyak na ang isang 1,000 paper bill ay peke.

Muling nagbalik ang sekretarya sa bangko upang masa-got ang kanyang mga reklamo.

Dahil sa nangyari, iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad ang nasabing BPI- Kalibo Branch dahil sa nangyaring insidente.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.