Pekeng Pera, Ginamit sa Vote Buying

LABING-ANIM NA pekeng P1,000 bills ang nasa kamay ng Buenavista Police ng Buenavista, Agusan del Norte.

Sinabi ni Buenavista Police Investigator PO3 Gilbert Guzman na isinuko ito ng mga residente mula sa iba’t ibang barangay ng Buenavista matapos umanong ipamahagi ng mga taong naka-motorsiklo Sabado ng gabi.

Isa sa mga residente ang nakatanggap ng walong pekeng P1,000.

Sa ngayton, umaapela ang Buenavista Police sa mga residente na isuko ang mga pekeng pera.

Samantala, itinanggi naman ng mga magkakatunggaling pulitiko sa Buenavista na may kinalaman sila sa pagpapakalat ng pekeng P1,000 bills.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.