Pekeng Parak, Nangikil sa Lola, Tiklo

NAHAHARAP SA patung-patong na kaso ang isang lalaki matapos mangikil sa isang lola nang magpanggap na pulis sa bayan ng Sison sa Pangasinan.

Nakilala ang suspek na si Joel Bautista, 28, residente sa nabanggit na bayan.

Base sa impormasyon, nagtungo ang salarin sa bahay ng biktimang si Lola Aureta at binentahan ito ng yero.

Dahil sa mabulaklak na pananalita ng suspek at sa pagsasabing isa itong pulis ay agad naniwala rito ang matanda.

Ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay muling bumalik ang suspek at muling humingi ng karag-dagang P60 kaya rito na naghinala ang biktima na niloloko siya ng salarin.

Nagtungo ang biktima sa pulisya at doon napag-alaman na hindi totoong pulis ang suspek.

Samantala, nasa kus-

todiya na ng mga awtoridad ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong Usurpation of Authority at Extortion.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.