Pekeng NPA, Tiklo sa Robbery Extortion

NAHAHARAP NGAYON sa robbery extortion ang dalawang lalaki matapos mahuli sa isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad makaraang magpanggap na mga miyembro ng New People’s Army sa Gitnang Luzon.

Sa ulat na ipinadala ni Officer-In-Charge P/Supt. Peter Naboye kay PNP Provincial Director P/S Supt. Robert Aliggayu, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Noel Macasinag, 51, magsasaka, residente ng Sitio Dilaeng, Brgy. Abar 2nd; at Jeric Manalo, 40, tricycle driver, ng Josephine Village, Brgy. Abar 1st; samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Jesus Gonzales, 60, isang negosyante ng # 188 Ramar Village, Brgy. Malasin, San Jose City, Nueva Ecija.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-4:30 ng hapon nang ilunsad ang entrapment sa Florentino St. ng Brgy, Abar 1st, makaraang makipagkasundo ang biktima na ibibigay nito ang hinihingi ng mga suspek na halagang P40,000 bilang revolutionary tax ng negosyante.

Nabatid na bago ang insidente, nakatanggap umano ng sulat si Gonzales, mula sa isang @Ka Abel na nagpakilalang kabilang sa “Kilusang Makamasang Gerilya” sa Gitnang Luzon.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa San Jose City Jail sa kasong robbery extortion.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.