Pekeng Kawani ng PhilHealth, Tiklo sa Parak

 

HINDI NA nakapalag pa sa mga umarestong pulis ang isang nagpakilalang kawani ng PhilHealth makaraang ireklamo ng kanyang mga naloko sa Brgy. Minuyan-1, San Jose del Monte City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Enrique Sadsad Jr.Y Candez, 34 anyos, binata, tubong-Manila, residente ng Purok-4, San Rafael-ll, samantalang ang mga biktima naman ay nakilalang sina Demetrio Hernandez, 43; Napoleon Christopher Diaz, 36; at Laila Hernandez, 36 anyos, kapwa residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni PO2 Jonas Dizon, dakong alas-11 ng umaga nang madakip ang suspek habang nakikipagtransaksyon sa raket nito sa nabanggit barangay.

Nabatid na nagpakilalang empleyado ng PhilHealth ang suspek sa kanyang mga kliyente, kung saan simpleng raket nito ang mga pangakong agad nitong ibibigay ang PhilHealth Identification Card, kapalit ng halagang P50 pesos.

Dahil sa kaduda-dudang kilos ng suspek, agad na kinutuban ang isa sa mga biktima na agad din namang tumawag sa tanggapan ng PhilHealth, kung saan kinumpirma nito na hindi nila kilala ang nabanggit na suspek.

Kaugnay nito, agad na inireport sa pulis ang pangyayari dahilan upang agad na madakip ang lalaki, na pekeng empelyado ng PhilHealth. Bunsod nito, agad namang nanawagan sa publiko si P/Supt. Valones na magsadya sa kanilang tanggapan upang pormal na sampahan ng kaso ang suspek.

(Tony dela Peña)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.