Pekeng ahente ng Internet, timbog sa entrapment

HAGONOY, BULACAN – BIGONG makapanloko sa pamamagitan ng Facebook account ang isang binata, makaraang maglunsad ng entrapment operation ang mga awtoridad sa Brgy. Sto. Niño sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rolando Santos kay PNP Provincial Director Fernando H. Mendez. Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Erickson Felipe Y Dela Cruz, residente ng Purok 3, Brgy. San Miguel, samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Elizabeth Georgia, empleyado ng Globe.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, ganap na alas-2:30 ng hapon nang isagawa ang entrapment sa 2nd floor ng isang fastfood chain.

Nabatid na nakita lamang sa Facebook account ng suspek ang pag-aahente nito ng pagkakabit ng Internet access ng Globe sa halagang P200 lamang kada buwan, kung saan nadiskubre na marami na umanong naloko ang suspek dito, na ikinaalarma na ng kumpanya.

Positibo namang itinuro ng security guard na si Sebastio Salvador ang suspek na responsible sa panloloko sa mga residente sa nabanggit na bayan.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 9 RA 8484 (Access Regulation Act of 1998 at Sec 33(b) RA 8792 (Electronic Commerce Act).      (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.