Pekeng Abogado, Tiklo

NADAKIP ANG isang pekeng abogado na kapangalan ng dating PBA player matapos hingan ng pera ang isang mister na gustong mapawalang-bisa ang kasal sa Caloocan City kamakailan.

Nahaharap sa kasong Swindling at Estafa ang salarin na kinilalang si Paul Alvarez, alyas Atty. Maximo Alvarez, 51, ng Kamias St., Quezon City.

Base sa reklamo ni Renato Ortega, 56, residente ng Kabulusan 2 ng naturang lungsod, noong Abril 23, 2013 dakong 10 a.m. nagtungo siya sa LUSA Realty Consultancy Services sa Victoria Bldg., at sinalubong ng salarin na nagpakilalang abogado.

Matapos sabihin ng biktima na nais niyang mapawalang-bisa ang kanyang kasal, sinabi ng salarin na kailangan ang P60,000 upang maayos ito.

Agad namang nagbigay ang biktima ng P45,000 ngunit ilang linggo na ang nakalipas, wala pa ring resulta.

Bunsod nito, nagberipika ang biktima sa Department of Justice (DoJ) at nalaman na pekeng abogado ang suspek.

Hinihingi pa ng salarin ang kakulangan sa bayad dahilan upang humingi ng tulong ang biktima sa mga kinuukulan.

Samantala, nang tanggapin ng suspek ang marked money ay agad siyang dinamba ng mga awtoridad at dinala sa presinto.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.