Pedopilya na humalay sa kinder, kalaboso

 

ARESTADO ANG isang lala-king hinihinalang pedopilya matapos maaktuhang minomolestiya ang isang walong taong gulang na batang babae sa San Carlos City, Pangasinan.

Hustisya ang nais na makamit ngayon ng ina ng bata laban sa suspek na si Mario de Verga, 39-anyos taga-Peñafrancia, Naga para sa kanyang anak na isa pa lamang kindergarten.

Ayon sa salaysay ng ginang, pinasok ng suspek ang bahay nila at pinalabas ang nakatatandang kapatid ng biktima na isa ring menor, bago nagkulong kasama ang biktima saka ito walang-awang ginahasa.

Ayon sa deklarasyon ng biktima, may hawak umanong kutsilyo ang suspek na siya niyang ikinatakot kung kaya’t wala na itong nagawa pa.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, itinaon ng suspek na wala ang mga magulang nito upang maisakatuparan ang gagawing krimen.

Batay rin sa pagsusuri, tiyak na ginahasa nga ang biktima sapagkat nakitaan ng pamamaga ang kaselanan ng bata na isang palatandaan na nagahasa nga ito.

Sa pagkakatimbog ng suspek ay nakuhaan pa ito ng mga larawan ng iba’t ibang batang babae, kung kaya matibay ang ebidensiya na ang suspek ay isa ngang pedopilya. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.