Pedicab drivers, bawal pumasada nang walang ID

MAHIGPIT NANG ipinagbabawal sa mga pedicab driver ng Bisig ng Kabataan Pedicab Operators Driver Association (BISCAPO) na pumasada sa lahat ng eskinita at kalye nang walang suot na lehitimong identification card (ID) matapos na magreklamo ang ilang pasahero sa tanggapan ng barangay sa nabanggit na lugar hinggil sa mataas na pasahe na sinisinggil ng i-lang pedicab driver.

Nang matanggap ni Barangay Chairman Nel Borja, ng Brgy. 1, sa Sangandaan, Caloocan City ang nasabing reklamo ng ilang pasahero hinggil sa mataas na singil ng mga tsuper ng de-padyak na sasakayan pedicab ay agarang nitong inaksiyunan.

Mabilis na ipinag-utos ni Borja ang ID system o pagsusuot nito sa mga pedicab driver sa kanilang pamamasada para madali silang makilala ng kanilang mga pasahero kung sakali mang gagawa nang hindi mabuti.

“Kaagad silang maki-kilala ng mga pasahero at mabilis na masusugpo ang masamang gawain ng mga ito at hindi na rin maparisan pa ng iba pang mga tsuper ng de padyak na magtangkang isagawa ang panlalamang sa kanilang kapwa,” ayon chairman Borja.

Sa sinumang lalabag sa nasabing kautusan ay papatawan ng kaukulang parusa kung saan sa unang opensa ay kukum-piskahin ng barangay ang upuan ng pedicab na nasa unahang bahagi ng sidecar, sa ikalawa naman ay mismong sidecar na ang kukunin.

Ipatutupad din ni Borja ang pag-aresto sa lahat ng kanyang constituent na naglalakad sa mga iskinita at kalye na walang suot na pang-itaas at pagmumultahin pa ng P500 at pagagawin ng mga community services, tulad ng paglili-nisin ng kapaligiran at pagtatanim ng mga halaman ang sinumng hindi tatalima sa kautusan.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.