Pedicab Driver, Pinagsasaksak Habang Pumapasada

MALUBHANG NASUGATAN ang pedicab driver matapos salubungin ng mga saksak ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay pumapasada sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Chris John Armada, 21, ng Salmon St., Dagat-dagatan ng lungsod.

Batay sa ulat, ala-1 ng umaga, pumapasada sa Sabalo St. ang biktima nang salubungin at pagsasaksakin ng suspek bago tumakas.

Dinala ang biktima sa JRMMC kung saan inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.