Pedicab driver, patay sa tingga ng tandem

ISANG PEDICAB driver ang binawian ng buhay nang pagraratratin ng dalawang suspek na motorcycle riding-in-tandem kamakailan sa Malabon City.

Dead on the spot ang biktimang si Arnesto San Juan, 32, taga-Brgy. San Roque, Navotas City.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up ang mga awtoridad laban sa dalawang hindi pa nakikilalang salarin.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nangyari ang insidente alas-10:30 ng gabi sa Naval Extension St., Brgy. Baritan, Malabon City.

Nakaupo si San Juan sa nasabing lugar nang biglang dumating ang mga kalalakihan na magkaangkas sa motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga salarin at nagsasagawa pa ng pagsisiyasat sa nabanggit na insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.