Pedicab Driver, Patay sa P10

NAGMISTULANG P10 lang ang naging katumbas ng pedicab driver matapos saksakin ng kalugar na hindi nabigyan ng una ng nasabing halaga sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa Navotas Lying-in Clinic sanhi ng saksak sa dibdib si Sonny Dela Cruz, 29, ng Pantay-Pantay, Tangos ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Freddie at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon, nag-aabang ng masasakyan ang biktima sa Leongson Ext., San Jose ng lungsod nang lapitan at hingan ng suspek ng P10.

Dahil mahina ang pasada ay tumanggi ang biktima subalit nagalit ang suspek sabay nagbunot ng patalim at pagsasaksakin ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing pagamutan.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.