Pedicab Driver, Natagpuang Patay sa Pedicab

PATAY NA nang makita ang pedicab driver habang nakahiga sa flooring ng pinapasadang pedicab na nakaparada sa kalsada sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Elmer Ocampo, 56 ng Coloong I ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-8 ng gabi nang makita ng ilang residente ang biktima na duguan nakahandusay sa flooring ng pinapasadang pedicab habang nakaparada sa kalsada sa nasabing lugar.

Lumalabas na may saksak sa leeg ang biktima na huling nakitang nakikipag-inuman sa hindi pa kilalang lalaki.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang nakainuman at inaalam na din kung may kinalalaman ito sa pagkamatay ng biktima.

( MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.