Pedicab Driver, Napundi ang Libog sa Mabahong Hininga

SWAK SA kulungan ang isang pedicab driver matapos mabuko ang tangka nitong panghahalay sa dalagitang kapitbahay nang maamoy ng biktima ang mabaho nitong hininga hinahalikan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Alvin Sigua, 38, ng Icasiano St., Bisig ng Kabataan ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-6 ng gabi, natutulog ang biktimang edad 21 sa loob ng kanilang bahay nang magising makaraan maramdamang may humahalik sa kanya at naamoy ang mabahong hininga.

Pagmulat ng mata ay itinulak ng biktima ang suspek na naging dahilan upang magtatakbo papatakas ang huli.

Napansin naman ng biktima na halos mahubad na ang kanyang suot na pantalon at nagsumbong sa mga kaanak.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ng mga barangay tanod ang suspek at dinala sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.