Pedicab Driver, Naglasing Bago Nagbigti

NAGLASING MUNA bago nagbigti ang isang pedicab driver sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Manila Central University Hospital si Armando Rosete Jr., 22 ng Orange St., Potrero ng lungsod.

Sa pahayag ng ka-live-in ng biktima na si Diana Rose Yambot, 18, kamakalawa ay iniwan niya ang biktima na naglalasing sa loob ng kanilang bahay.

Alas-6 ng gabi, pagbalik ng babae ay laking gulat nang makitang nakabigti ng electrical cord ang biktima sa loob ng kanilang bahay na naging dahilan upang humingi ng tulong ang una upang madala sa MCU ang kinakasama.

Wala naman umanong nakikitang dahilan si Yambot upang magpatiwakal ang kinakasama kung saan inaalam na ng mga pulis ang dahilan ni Rosete sa pagbibigti.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.