Pedicab Driver, Kulong sa Boga

KULONG ANG isang pedicab driver matapos mahulihan ng baril habang ang una ay paikut-ikot sa kani-lang lugar sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearm si Eduardo Sibug, 40 ng J. Bautista st., ng  lungsod.

Batay sa ulat, alas-9 ng gabi, may tumawag sa mga pulis na paikut-ikot ang suspek sa kanilang lugar habang sukbit ang baril.

Nang respondehan ay hindi na nakapalag ang suspek at nang kapkapan ay nakuha ang kalibre .38 na walang papeles.

Inaalam na ng mga pulis kung bakit paikut-ikot ang biktima habang may dalang baril.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.