Pedicab driver, kritikal sa pinataob sa pool

 

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang pedicab driver makaraang pagtulungan itong bugbugin at saksakin ng tatlong di-kilalang salarin na tinalo ng una sa larong pool kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Inoobserbahan nga-yon sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), sanhi ng tinamong tama ng pasa at bukol sa mukha na pinalo ng bato at saksak sa likod ang biktimang si Michael Carillo, 38, ng Chico Road, Brgy. Potrero, Malabon City.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa pagkakakilanlan at ikadarakip sa tatlong suspek na nakilala lamang ang isa sa alyas Jong-Jong na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni P03 Edsel dela Paz, ng Station Investigation Management Branch (SIMB) may hawak ng kaso, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa VMN Comp., Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.

Nabatid na hindi matanggap ng mga suspek na tinalo ang mga ito ng biktima sa larong pool kung kaya’t pinagtulu-ngan nitong bugbugin si Carillo at saksakin saka mabilis na nagsitakas.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.