Pedicab Driver, Kritikal sa Holdaper; 1 pa, sugatan

KRITIKAL ANG isang pedicab driver habang sugatan ang isa pa nang pagsasaksakin ng holdaper nang pumalag ang una sa Navotas kahapon ng madaling-araw.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Jefferson Isidro, 25, ng Fishport Complex, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Ginagamot naman sanhi ng saksak sa kanang balikat si Jaime Sevilla, 54, ng Balot, Tondo, Manila.

Nadakip naman si Job Rico, 21, delivery boy ng C-3 Rd., NBBS ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-1:50 ng madaling-araw, sumakay ang suspek sa pedicab ni Isidro subali’t pagsapit sa Bangus St., NBBS ng lungsod ay naglabas ng patalim si Rico at nagdeklara ng holdap.

Pumalag si Isidro na naging dahilan upang pagsasaksakin ni Rico bago kinuha ang Sony Ericcson na cellphone at P250 ng una.

Papatakas na ang suspek nang mapadaan ang naglalakad na si Sevilla na inundayan din ng saksak ng una, bago nagtatakbo papalayo si Rico.

Nakahingi ng tulong si Sevilla sa mga barangay tanod na naging dahilan upang dalhin ang mga biktima sa TMC at nadakip ang suspek subali’t hindi na nabawi ang mga nakulimbat.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.