Pedicab Driver, Kalaboso sa Pagdalirot sa Grade I Pupil

SHOOT SA kulungan ang manyakis na pedicab driver makaraang pagsamantalahan nito ang isang Grade I pupil na batang babae sa loob ng isang nakaparadang pampasaherong jeep kamakalawa ng umaga sa Malabon City.

Nakapiit sa detention cell ng Malabon Police at nahaharap sa kasong paglabag ng RA 7610 o Rape ang suspek na si Nicanor Sena y Magila, alyas Jong, 32, ng # 8 Tala St. , Brgy. Santulan ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng umaga habang nakatayo ang biktima sa tapat ng Gloria Store nang dalhin ng suspek ang bata sa isang nakaparadang jeepney saka isinagawa ang pang-aabuso sa bikitma

“Dinala po niya ako sa jeep pagkatapos hinalikan po at pinasok ang kanyang daliri sa ari ko tapos tinakot po niya ako na wag magsumbong kasi papatayin niya ako,” kwento ng biktimang si Analyn, (di-tunay na pangalan) 8.

Subalit, pag-uwi ng kanilang bahay ay hindi natakot ang biktima na magsumbong sa ina na naging dahilan ng pagkakadakip sa suspek.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.