Pedicab Driver, Huli sa Aktong Hinahalay ang 6-anyos na Nene

 

NAHAHARAP SA kasong panggagahasa ang isang pedicab driver matapos siyang mahuli sa aktong ginagahasa ang anim na taong gulang na batang babae na Grade 1 pupil sa isang kubling lugar sa may Barangay Sinunoc, Zamboanga City.

Kinilala ng mga awtoridad ang naarestong suspek na si Abdelmuin Alam Musa, 21, at residente ng mismong barangay.

Ayon sa hepe ng Zamboanga City Police Station 8 na si S/Insp. Arthuro Alejandro, isang miyembro ng CAFGU ang siyang nakakita sa ginawang panghahalay ng salarin sa nene.

Dumadaan umano sa lugar ang nasabing CAFGU nang makarinig ito ng hindi kanais-nais na ingay sa hindi kalayuan kaya sinubukan niyang alamin kung saan nanggagaling ang ingay at dito na niya nakita ang panghahalay ni Musa sa bata.

Dahil dito, kaagad niyang inaresto ang suspek at dinala sa istasyon ng pulisya.

Labis-labis naman ang hinagpis ng mga magulang ng biktima sa sinapit ng kanilang anak.

Napag-alaman na matagal nang pinagkakatiwalaan ng mga magulang ng biktima ang salarin kung saan ito ang taga-hatid sa paaralan at siya rin ang kumukuha rito pauwi sa kanilang bahay.

Kamakailan, imbes na iuwi ang biktima sa kani-lang bahay matapos sunduin sa paaralan, dinala niya ito sa isang kubling lugar gamit ang kanyang minamanehong pedicab at doon na ginawa ang kahalayan.

Samantala, isinampa na ang kaso sa korte laban kay Musa at pansamantalang nakapiit sa selda ng naturang istasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.