Pedicab Driver, Hinataw ng Kahoy ang Operator

KULONG ANG isang pedicab driver matapos hambalusin ang kanyang operator makaraan ang pagtatalo nang hindi nakapag-boundary ang una sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang suspek na si Emmanuel Angeles, 36 ng Sitio Uno, Sangandaan ng lungsod.

Putok naman ang ulo ni Bryan Reyes ng Acab St., ng lungsod.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, pinuntahan ng biktima ang suspek sa P. Zamora St., ng lungsod dahil nabigong magbigay ng boundary sa pinapasadang pedicab ng una.

Wala pa ring naibigay ang suspek na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa makakuha ng kahoy ang una at hatawin sa ulo ang biktima.

Nadaanan ng mga nagpapatrolyang mga pulis ang pangyayari na naging dahilan upang damputin ang suspek at dalhin sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.