Peacekeepers, ‘Di Pa Kailangan Sa Sabah

KUMPIYANSA ANG Palasyo na hindi pa kailangan ang grupo ng mga peacekeeper sa Sabah, Malaysia.

Una nang hinikayat ng Moro National Liberation front (MNLF) ang United Nations na magpadala ng peacekeeping corps sa area dahil sa tensyon sa pagitan ng Malasyian forces at ilang kasapi ng Sulu Sultanate.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, base sa kanilang assessment, nananatili pa namang maayos ang sitwasyon sa kabila ng standoff.

Sinabi ni Valte na kapwa nagpahayag ang panig ng Malaysia at grupo ng mga Kiram na resolbahin ang problema sa payapang paraan.

Maging ang ilang pribadong indibidwal ay nagpahayag din ng kahandaang tumulong at magkaroon ng kooperasyon para matapos nang payapa ang tensyon at maiwasan ang anumang kaguluhan.

“You know, if you asses the situation on the ground right now, if you also look at all the statements of all the parties involved, on the part of the Philippine government, we conveyed our preference to have the situation resolved peacefully. And of course, our Malaysian friends have also stated the same so we share the same sentiments. Pati naman po ‘yung mga private individuals involved. The Kiram family have also expressed their intention to have it resolved peacefully,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.