Peace Talks ‘Di Sigurado Kung Matutuloy

HINDI PA MATIYAK ni Pangulong Noynoy Aquino kung matutuloy ang pagpapatuloy ng peace talks sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ngayong Nobyembre.

Magugunitang marami ang nagpanukala na pagkatapos ng engkuwentro sa Basilan na ikinamatay ng 19 na sundalo, dapat suspendihin muna ang peace talks sa MILF.

Sinabi ng Pangulo na pipiliting umusad ang pag-uusap para matugunan ang mga kinakaharap na problema.

Bagama’t naaakusahan ang MILF sa pagtraydor, naniniwala ang Pangulo na marami umano sa mga rebelde lalo sa Central Committee ang pursigido sa kapayapaan.

Mas mabuti umanong nakabukas ang pintuan para sa negosasyon kaysa patulan ang mga panukalang ‘all-out war’ na magbubunga lamang ng mas malaking problema.

“So, ang sinasabi ko lang, mayroong… Ako’y naniniwala na marami roon sa MILF — lalo na sa kanilang Central Committee — ang gusto talagang maghanap ng paraan para magkaroon tayo ng kapayapaan. Hindi natin masasabi na ‘yung ibang mga kahalubilo nila roon ay hindi pareho ang pananaw. So ang sinasabi ko lang sa ating mga mamamayan, manigurado tayong ihiwalay natin ‘yung talagang ayaw makipagkasundo ng kapayapaan sa atin doon sa gusto namang makipagkasundo at naghahanap ng paraan para magkaroon tayo ng kapayapaan,” ani P-Noy. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.