Peace Talk ng ‘Pinas at MILF, Tuloy

TULOY NA umano nga-yong araw, Marso 25, ang pag-uusap muli ng Philippine government at Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay sa isinusulong na peace efforts para sa Mindanao.

Ayon kay MILF chief negotiator Mohagher Iqbal, kabilang sa inaasahang tatalakayin sa Kuala Lumpur meeting ay ang usapin sa “power-wealth sharing” at “normalization”.

“I hope we can agree on these issues during our next meeting,” ani Iqbal.

Matatandaan na sa hu-ling pag-uusap, nilagdaan ng dalawang panig ang ilang “annexes” sa binalangkas na framework agreement sa pagbuo ng Bangsamoro entity sa Mindanao.

Ang gagawing pag-uusap ng gobyerno ng Pilipinas at MILF panels ay mangyayari sa gitna nang tensyon sa Sabah.

Samantala, una na ring tiniyak ng dalawang panig na walang kinalaman at hindi makaaapekto ang umiiral na tensyon sa Sabah sa peace process.

Ang Malaysia ay tumatayong third party sa peace talks sa pagitan ng MILF at ng gobyerno.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.