Peace signing, pinakamalaking event

MAITUTURING UMANONG pinakamalaking pagtitipon na pinangunahan ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang pagpirma sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) kahapon sa Palasyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda na ilang dekada ang ginawang negosasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ngayon lamang magkakaroon ng konklusyon.

Sinabi ni Lacierda na maliban sa mga lokal na opisyal ay dumating din ang mga foreign dignitaries sa pangu-nguna ni Malaysian Prime Minister Najib Razak.

Bago pa ang pagpirma ay nagkaroon muna ng pagpupulong sina Pangulong Aquino at Razak na inasahang nagtagal lamang ng pitong oras sa bansa.

Inihayag ni Presidential Security Group head Raul Obando na hindi na nagtaas pa ng alerto ang PSG bagkus nagdagdag na lamang ng idineploy na personnel.

Tumulong din ang MMDA at PNP sa pangangasiwa ng trapiko.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.