Peace Rally Kaugnay sa Human Rights, Isinagawa sa Isabela

NAGSAGAWA NG peace rally ang iba’t ibang sektor ng lipunan sa Isabela kamakailan bilang bahagi ng pakikiisa sa International Human Rights Day.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing rally ang mga pinuno ng pamahalaang lokal ng San Mariano, Isabela, samahang Pader at iba pang grupo na sumusuporta at kumukontra sa operasyon ng multi-billion peso bio-ethanol plant sa San Mariano, lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Rolando Lee, pangulo ng Pader-Isabela na walang nangyayaring pangangamkam ng lupa at wala pang napatunayan sa lahat ng mga ipinalabas na usaping may kaugnayan sa proyekto.

Mula naman nang mag-umpisa ang operasyon ng planta ay marami na sa mga magsasaka ang naisaayos ang mga papeles ng kanilang lupa na noon ay hindi naman nagagamit at napoprotektahan ang kanilang mga karapatan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.