Peace Process, ‘Di Masisira sa Tuloy na Military Ops – Palasyo

KUMPIYANSA ANG PALASYO na hindi makakaapekto sa peace process ang ginagawang military operation sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao laban sa mga lawless elements.

Maliban sa Zamboanga Sibugay, may operasyon din sa Sulu at nakaumang na rin ang plano sa Basilan kung saan napatay ang 19 na sundalo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang kinalaman ang peace process sa ginagawang operasyon laban sa mga kriminal.

Walang balak patulan ng gobyerno ang mga panawagang “all-out war” sa MILF, bagkus patuloy nilang isinusulong ang peace talks, ani Valte.

Ginagawa rin umano ng gobyerno ang lahat para maipakita ang magandang intensyon at “good faith” sa pakikipag-usap sa MILF.

“Tuluyan po ‘yong ating pakikipag-usap sa MILF at ang gusto po natin talaga kasi ay umusad na ‘yong peace process at ginagawa po natin ‘yong lahat ng pagtutulak; kasama po roon ang ating pagpapakita ‘nong ating mga magandang intensyon at ‘yong ating good faith in dealing with the MILF, so ito po ‘yong ating pinili. Peace has always been the better option but that does not foreclose the fact that we will continue the pursuit against lawless elements,” dagdag pa ni Valte. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.