Peace Covenant Para sa Mid-Term Elections, Pinaghahandaan na ng NPD

 

MAAGANG ISASAGAWA ng Northern Police District ang peace covenant para sa mga tumatakbong kandidato sa iba’t ibang posisyon sa local government mula sa Northern Metro area sa darating na May 13, 2013 elections.

Ito ang inihayag ni NPD Public Information Officer (PIO)P/ Supt. Ferdinand Del Rosario sa panayam ng media.

Sinabi ni Del Rosario na ikinakasa na nila sa lalong madaling panahon ang peace covenant sa mga kandidato upang paalalahanan ang bawat isa na nakipag-cooperate sa pulisya para sa malinis na halalan sa susunod na taon.

Layon ng NPD na magmula mismo sa bibig ng kandidato ang pakikiisa upang magkaroon ng honest and peaceful election sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela.

Kada eleksiyon ay isinasagawa ito ng NPD, pero hindi katulad nga-yon na mas maaga ang pagsasagawa ng peace covenant ngayong 2013 election.

“Mas maganda po kasi na mismong sa bibig ng kandidato manggaling na makikiisa sila sa mapayapang eleksiyon. Umaasa kami du’n,” pahayag ni Del Rosario.

Tiniyak naman ni Navotas Vice Mayor Patrick Javier, Caloocan City First District  Representative Oscar Malapitan, mga kandidato sa pagka-alkalde sa kani-kanilang lungsod at Valenzuela City First District Coun. Ritche Cuadra, na makikiisa sila sa layunin ng NPD na magkaroon ng mapayapang halalan.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.