Peace and Order, Tiniyak sa mga Lugar na Hinagupit ni Yolanda

NAGDEPLOY NA nang karagdagang tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa Eastern Visayas upang tugunan ang peace and order situation sa mga lugar na hinagpit ng bagyong Yolanda, sa gitna ng mga ulat na pagnanakaw at iba pang uri ng kriminalidad, at sa gitna nang pinsalang iniwan ng nasabing kalamidad.

Sinabi ni PNP spokesperson S/Supt. Wilben Mayor na na personal mismong magtutungo ng Tacloban City si PNP chief Director General Alan Purisima para matingnan ang sitwasyon.

“Kaya nga po magpapadala roon ng karagdagang personnel para mag-augment, para tulungan sila na magsuporta sa Region 8. Kasama rin dito ang mga search-and-rescue teams,” ayon sa opisyal.

Ayon pa kay Mayor, ang kawalan ng linya ng komunikasyon ang dahilan kung bakit hindi kaagad nakapag-responde ang mga alagad ng batas sa mga insidente ng looting.

“Actually noong Friday, naputol na ang komunikasyon, so, isa rin iyan sa mga cause kung bakit hindi nakapag-responde ang ating mga kapulisan that time,” ani Mayor.

Samantala, una nang naireport na sapilitang pinasok ng mga residente sa Tacloban ang ilang grocery stores, drug stores at maging ang mga automated teller machines (ATM) ay ni-ransack na rin ng mga tao.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.