PDEA Dir. Gutierrez, Walang Alam sa Pagsibak kay Gadapan

ITINANGGI NI Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Jose Gutierrez Jr. na may kinalaman siya sa pagkakatanggal sa puwesto ni PDEA Director for Operations Assistant Secretary Car-los Gadapan.

Sinabi ni Gutierrez na mismong ang Palasyo ang nagdesis-yong sibakin si Gadapan dahil sa isyu ng loss of trust and confidence.

Samantala, tumanggi naman ang opsiyal na palawigin ang komento dahil kabilang aniya ang isyu sa mga iniim-bestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Isasalang sa pagsisiyasat ang lahat ng mga opisyal at emple-yado kaugnay ng mga kontrobersiyang kinahaharap ng nasabing ahensya, ani Gutierrez

Tatagal naman ang imbestigasyon sa loob ng isang linggo.

Una nang inakusahan ni Gadapan ang asawa ni Gutierrez na nagsusugal at nadadamay aniya rito ang integridad ng PDEA.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.