PDEA agent na drug pusher, swak sa selda

WINDANG NGAYON ANG Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) nang matukoy at madakip ang kani-lang tauhan na sa halip na tagatunton ng mga drug pusher ay ito pa pala ang nagbebenta ng kanilang nasasabat na droga sa Poblacion 2, Tagbilaran, Bohol.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ang PDEA agent na si Steven Valles, nakadesitino sa regional office ng PDEA-7.

Ayon kay PDEA Regional Director Adrian Alvarino, may ipinatawag nang abogado at imbestigador para isailalim sa interogasyon si Valles.

Napag-alaman na noon pa ay may natanggap na silang impormasyon sa illegal drug activity ni Valles.

Sa inilunsad na operasyon ng mga awtoridad, gamit ang isang police asset, bumili ng P80,000 na halaga ng droga gamit ang P5,000 na marked money.

Sa nangyaring transaksiyon iniabot ni Valles ang sinasabing Shabu sa police asset na dali-dali namang hinuli ang salarin.

Nakuha sa pag-iingat ni Valles ang isang kalibre .45 baril, PDEA ID, PDEA-badge, apat na cellphone, ATM cards, pera na mahigit sa P160,000 at iba pang mga dokumento.

Bukod sa kasong administratibo, kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Illegal Possession of Illegal Drugs ang haharapin ng naturang PDEA agent.            (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.