PDAF Probe, Dapat Palawigin – Chiz

DAPAT NA palawigin pa ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig sa anomalya ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) dahil walong non-government organization (NGO) pa lang ang nasisiyasat.

Sinabi ni Senator Francis Escudero na walong NGO pa lang ang nasisiyasat at hindi pa nasisilip ang may 74 na NGO na may mga kaparehong operasyon din.

Ang walo ay iniuugnay kay Janet Lim-Napoles, na tinaguriang reyna at utak sa P10-bilyong pork barrel fund scam.

Maaalala na una nang inihayag ni Sen. Teofisto Guingona III ang plano niyang itigil na ang pagsisiyasat sa PDAF at para mapagtuunan ng pansin ang paggamit naman sa pondo ng Malampaya Gas plant.

Sinabi ni Guingona na lahat ng impormasyong nais makuha ng kanyang komite ay nabigyang linaw na, at katunayan ay maaari na silang gumawa ng committee report.

Pero, inihayag ni Escudero na maaaring hindi lang ang kampo ng negosyante ang may kinalaman sa anomalya, kaya dapat aniya na ikonsidera ni Guingona ang desisyon nito.

Una nang sinabi ni Atty. Levito Baligod, abogado ng mga whistleblower, na may mga witness pa siya na may alam sa iba pang NGO na may mga “paper trail” na tutukoy sa mga mambabatas na na-kinabang sa naturang scam.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.