PCG: Pag-Dismantle sa USS Guardian, Pinal Na

PINAL NA umano ang napagkasunduan ng US Navy at ng Philippine Coast Guard (PCG) na sisimulan na sa  Lunes ang salvaging operation sa sumadsad na USS Guardian sa Tubbataha reef.

Sinabi ni Lt. Cmdr Armand Balilo, ang tagapagsalita ng PCG, na nakatakdang duma-ting ang babaklas sa nasabing barko na nirentahan ng US Navy sa Smith Salvage Corporation na nakabase sa Singapore upang tuluyan nang alisin ang barko sa marine protected area.

Ayon kay Balilo, maliban sa pagbaklas sa barko ay may dalawang crane din ang tutulong upang maiangat ang mga pirasong bahagi ng USS Guardian.

Ito na aniya ang kanilang napiling opsyon sa pagtanggal sa barko ng Estados Unidos dahil mas konti ang magiging pinsala nito dahil batay sa kanilang surveillance ay marami na rin ang crack ng barko.

Samantala, posible naman aniyang abutin ng ilang buwan bago tuluyang maialis kung sakali ang barko sa Tubbataha reef.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.