PCG: Oil spill, pangamba sa salvage ops ng USS Guardian

POSIBLENG ABUTIN pa ng mahigit sa isang buwan ang operasyon sa pagtanggal ng sumadsad na USS Guardian sa Tubbataha reef sa Palawan.

Ito ang sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Lt. Commander Armand Balilo base sa pagtaya ng mga salvage operators.

Ito’y dahil na rin sa masamang takbo ng panahon sa naturang lugar kung saan malalakas ang alon.

Maliban dito, maingat din ang gagawing pag-salvage sa barko upang hindi tumagas ang langis na makakadagdag pa sa naidulot na pinsala.

Samantala, inihayag ni Balilo na batay sa plano ng mga salvage operators ng Estados Unidos, idi-dismantle ang bahagi ng vessel at gagamitan ng crane ship upang mailipat sa salvage vessel.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.