PCG, May Paalala Kaugnay ng mga Aksidente sa Beach

NAGLABAS NG paalala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga mahilig maligo sa beach para makaiwas sa mga aksidente.

Sinabi ni PCG Spokesman Lt. Commander Armand Balilo na mahalagang sumunod sa mga babala o regulasyon ang mga maliligo sa mga beach.

Kabilang dito ang pagligo lamang sa mga itinakdang lugar sa bahagi ng dagat at huwag tutungo sa mga off limits na.

Huwag ding pababayaang mag-isang maligo ang mga bata lalo’t kung hindi naman marunong lumangoy.

Iwasan din aniya ang

pagligo sa gabi at higit sa lahat ay huwag maliligo kung lasing o nakainom ng alak.

Pinaalalahanan din ng PCG ang mga mahilig sa recreational activities sa dagat tulad ng pagsakay sa banana boat, paragliding at kung anu-ano pa na tiyaking nasa maayos itong kundisyon.

Samantala, nagsa-sagawa na rin ng pagsasanay ang PCG sa mga lifeguard upang makatugon agad ang mga ito sa mga hihingi ng saklolo.

Sa ngayon, nagbabantay rin ang Philippine Coast Guard Special Operations Group (CGSOG) sa mga beach kung saan napakarami ang naliligo sa dagat dahil sa tindi ng init ng panahon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.