PCG, Alerto Kontra Vietnam’s Incursion

NAG-DEPLOY PA nang karagdagang puwersa ang Philippine Coast Guard (PCG)sa bahagi ng Tubbataha Reef sa Sulu sea, kasunod nang naganap na habulan sa pagitan Philippine Navy at pinaniniwalaang mangingisdang Vietnamese.

Sinabi ni Coast Guard Palawan district head Commodore Enrico Evangelista na maliban sa kanilang presensiya sa lugar, naka-heightened alert na rin ang mga park rangers para mahadlangan ang posibleng panghihimasok ng mga dayuhan sa tinaguriang marine sanctuary.

Una rito, inireport ni Tubbataha Reef park superintendent Angelique Songco na namataan ng kanilang mga tauhan ang naturang Vietnamese vessel sa bahagi nang World Heritage-listed marine sanctuary.

Tinangka umano nila itong habulin subalit masyado aniyang mabilis ang foreign vessel kung kaya’t hiningi na nila ang tulong ng Philippine Navy.

Inihayag pa ng opisyal na gumamit pa umano ng Philippine flag ang natu-rang barko para iligaw ang mga kinauukulan subalit kumbinsido umano silang galing ng Vietnam ang na-sabing sasakyang-pandagat.

Samantala, kinumpirma naman ni Western Command spokesperson 1st Lt. Cheryl Tindog, na ang tinutukoy na Vietnamese vessel ay namataan sa la-yong 3.4 nautical miles ng North Atoll, Tubbataha Reef noong June 7.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.