PCA Executive, Patay sa Ambus

PATAY ANG ISANG opisyal ng Philippine Coconut Authority (PCA) matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek kaninang umaga sa lalawigan ng Quezon.

Batay sa  report ni provincial police director S/Supt. Heherson Velasquez, nangyari ang pamamaslang pasado alas-8 ng umaga, sa Brgy. Isabang sa Tayabas.

Sinasabing lulan ng kanyang pick-up truck ang biktimang si Eunicita Sapuanes nang barilin ito ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Napag-alaman ng mga kinauukulan na si Sapuanes ay manager ng PCA sa Batangas.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, apat na basyo ng bala ng caliber .45 ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Lumabas din sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad na una nang nakakatanggap ng death threats ang biktima bago nangyari ang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.