PBB Season 2 evictee Jolas Paguia has gay benefactor?!

DUMALO KAMI SA premiere night ng Tumbok noong Martes sa Megamall. Kahit na hindi ganu’n kaganda ang ekonomiya ng bansa natin, dumagsa pa rin ang marami nating kababayan upang suportahan ang kanilang mga idolo lalo na ang bida nitong si Cristine Reyes.

Isa sa mga umagaw ng atensiyon sa mga nandoon sa red carpet ay ang matangkad na Pinoy Big Brother Season 2 housemate na si Jolas Paguia. Medyo tumaba na ang dating “The Gentle Giant” ng bahay ni Kuya at tinaguriang ‘papable’ ng Bulacan. Hindi pinalad si Jolas noon na mapasama sa Big Four, pero isa siya sa mga tumatak na housemate dahil sa kanyang angking kaguwapuhan at tindig.

Pagkatapos niyang mapalayas sa bahay ni Kuya, nagkaroon ng mga guestings at appearance si Jolas sa iba’t ibang Kapamilya shows, pero unti-unti rin siyang nawala sa limelight. “Noon kahit papano nagka-break din ako then, nag-isip ako na mag-aral muna, then basketball,” panimulang kuwento sa amin ni Jolas.

Priority raw talaga niya ang kanyang pag-aaral at pangalawa naman ang basketball. Gusto raw kasi niyang makapasok sa professional league kaya dito niya ibinuhos ang kanyang mga bakanteng oras. “Nakaya kong isingit sa sked ko ‘yung movie kaya pinasok ko,” nang usisain na-min kung paano niya nahati ang kanyang oras sa school, pagpa-praktis at shooting ng Tumbok kung saan isa siya sa cast.

Umingay rin ang kanyang pangalan noong nakaraang taon nang pasukin niya ang pagpapaseksi via Cappuccinos, pero parang hindi masyadong pinag-usapan na ang naturang grupo. Pero noong lumabas ang mga sexy photos niya, marami tuloy intrigang ibinato sa kanya, kabilang na ang pagkakaroon niya ng gay benefactor. Ano kaya ang reaksiyon niya noong lumabas ang gano’ng isyu? “Marami na, marami nang nagsabi niyan, sanay na ako d’yan, ‘pag may narinig akong mga ganu’n, nginingitian ko na lang sila.”

May tsika pang palagi raw may nakakakita sa kanilang magkasama lagi sa Bulacan, totoo nga ba ito? “Sobrang dami kong kaibigang gay sa Bulacan eh, kasi madalas akong sumasali sa mga pageant, ‘yung mga nag-aayos sa akin, friends lang, pero karelasyon wala,” paglilinaw pa ni Jolas.

Ano naman kaya ang masasabi niya kapag may mga ganitong isyung ibinabato sa kanya? “Okay lang, sanay na ako sa ganyang mga tsismis. Ang mahalaga, alam ko ang ginagawa ko sa sarili ko, alam ko ang tama at mali.”

By the way, palabas na ngayon ang Tumbok sa inyong mga paboritong sinehan at kayo na ang humusga kung pasado nga ba sa inyong panlasa ang acting ni Jolas. ‘Yun na!

NAKAKATUWA NAMAN ITONG si AJ Muhlach, ang nakababatang kapatid ni Aga dahil inamin niyang ang kanyang kuya talaga ang kanyang inspirasyon sa pagpasok niya sa showbiz. Kaya naman masaya ang binatilyo na siya ang gaganap sa role na ginampanan noon ni Aga sa pelikulang Bagets.

Gagawin na kasing youth oriented show ng TV5 ang Bagets at sa May 15 ay nakatakda na itong umere sa Kapatid network. Kasama rito nina AJ ang iba pang naggagandahan at nagguguwapuhang teenagers na tiyak na magpapakilig ng inyong Linggo. Kaya abangan ang pagpalaot sa telebisyon ng Bagets, mga ka-Parazzi!!!

BLIND ITEM: KINSA Siya? Sino itong hindi na kabataang sexy actress at medyo mashubiz or mataba na sa ngayon ang kinaiimbyernahan ng isang staff ng isang talkshow?

Ang kuwento, kinukontak daw kasi nila itong si sexy actress para interbyuhin sa kanilang show, pero hindi naman sumasagot ng text o tawag. Ilang araw na raw itong tini-text ng staff ng show, pero hindi ito nagre-reply. Kapag tinatawagan naman ay nire-reject nito.

Pagtataray pa nang staff, “Eh bakit ‘pag siya ang nanghingi ng tulong, text siya nang text.” Baka naman walang load pang-text ang sexy actress na ito, ang depensa namin para sa sexy actress.

Ang sagot naman ng staff, “Tse, eh kakatapos lang kaya ng isang serye na kasama siya, may load ‘yun, at nakalinya ‘yun for sure. Umaarte lang!” Naku ha, mahirap nang magisa. May ganu’n?

Follow me on Twitter, @arnielcserato; Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

One thought on “PBB Season 2 evictee Jolas Paguia has gay benefactor?!

  1. Taena mga rumors yan. Classmate ko toh dati nung highschool. May cute na girlfriend yan na finafuck! Yun ang first na naka sex niya at matagal silang nag sama. 14 palang ata sila nung nag simula. Basta hanggang 4th year sila parin. ewan ko nalang ngayon. Straight yan mga dudes wag na umasa. Tsaka ang sabi nung gf niya dati, maliit daw yung ano niyan compared sa height niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.