PBB Loveteam JACIA, nagbigay-saya sa mga bata

KAHIT HINDI MAGKATAMBAL ngayon sina James Reid at Tricia Santos, buo pa rin ang suporta sa kanila ng mga fans nila. Sa katunayan, nagkaroon ng Outreach Party ang dalawa para sa mga bata ng Marco Polo Care Center ng Virlanie Foundation noong December 19. May palaro, gift-giving, at kantahan!
Nakakatuwa sina James Reid at Tricia Santos. Game na game at walang kiyeme! Nakipaglaro sila sa mga bata ng Longest Line, Catch the Dragon’s Tail, at Newspaper Dance. Malakas talaga ang chemistry ng dalawa. Pati ang mga bata ay nagsasabi sa kanila: “Bagay po kayo!” Sa ilang oras na nakasama nila ang mga bata ay napalapit na rin ang mga ito sa kanila. Kinantahan nina James at Tricia ang mga bata. Patok na patok ang kantang ‘Hawak Kamay’ sa mga bata!
“Matagal ko na pong hindi nagagawa ito. Napakasaya ko po. Isang pamaskong handog po para sa mga bata,” sabi ni Tricia. Noong bata pa si Tricia ay sumasama na siya sa kanyang lolo sa mga charity work.

Hindi rin maitago ng PBB Teen Clash Big Winner na si James Reid ang kanyang kasiyahan. “The event was so memorable. I love the kids!”
Ang party na tinawag na “A Day with the Kids” ay sinuportahan ng mga fans ng JACIA, TFC Subscribers, at ilang pribadong tao. Tumulong rin ang Pediatrica, Saint Pedro Poveda College Social Action Center, at Full Circle Communications.
Ipinarating ng Virlanie Foundation ang kanilang pasasa-lamat kay James at Tricia, sa kanilang mga fans, at sa iba pang tumulong. Sana ay tularan ng ibang kabataan ang ipinakita ng JACIA loveteam.
Sina James at Tricia ay kasalukuyang napapanood sa ShoutOut!, ang pinakabagong teen variety show ng Kapamilya Network. Bulong sa amin ng JACIA fan na si Dahlia Fababeir, ang JACIA na lang daw ang PBB loveteam na hindi pa nabibigyan ng exposure simula nang lu-mabas ang dalawa sa Bahay ni Kuya. Ang wish ng JACIA Bebes sa bagong taon ay ang ‘makitang muli ang JACIA sa telebisyon.’

(Maria Angela F. Abad)

Fan Page

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

21 thoughts on “PBB Loveteam JACIA, nagbigay-saya sa mga bata

  1. TWO THUMBS UP. FOR TEAM JaCia :)
    FOR ME THEY ARE THE ROLE MODEL of THE YOUTH .
    Sharing their blessings to unfortunate kids is the BEST THING GIFT :)
    GO GO GO ..JACIA .
    LETS GO JaCia BeBeS:PP

  2. James and Tricia really looks good together… sabi nga ng mga bata ng Virlanie.. BAGAY sila… JACIA is Trully LOVE they know how to give back… Thanks sa lahat ng tumulong to be successfull ang event….

  3. To all JaCians/Bebes..Job well done, the fruit of your labor is sweet…May today’s success be the beginning of tomorrows achievements.♥♥♥ If James has ONE HEART ♥ Tricia has GOOD HEART. ♥♥♥JaCia is LOVE♥♥♥ It’s high time to inject new things this 2011, JaCia (James and Tricia) is the ORIGINAL LOVETEAM inside the house (PBB). Let our voices BE HEARD..give JACIA a chance..surely JACIA will SHINE ☼☼☼..We love James and Tricia♥. Thanks Pinoy Parazzi for featuring OUR BELOVED JACIA!!!

  4. JACIA the REAL thing, thank you so much for featuring new article about JACIA. and also to JAMES and TRICIA for the time they spent with the kids of VIRLANIE FOUNDATION, We all wish for the success in your career, and hoping that we can see both of you in a prod or in a show. We love you ;)

  5. JACIA the REAL thing, i love them, thanks James and Tricia for the time that you spent with the kids of VIRLANIE foundation and also for giving happiness to all JACIA BEBES, We love you, We are hoping for more success in your career and hopefully we will be able to see both of you in a prod or show.

  6. JACIA is LOVE, JACIA is REAL, JACIA is DESTINY, JACIA is ORIGINAL lt sa PBB…..COngrats bebes sa success ng outreach party sana magka JACIA prod and JACIA show this year…..

  7. Maramin salamat pinoy parazzi for featuring jacia here. we’re really appreciate it, and im proud to say being part of jacia family :)

  8. maraming salamat pinoy parazzi for featuring JACIA here we really appreciate it. I’m so proud being part of jacia family :)

  9. thank you pinoy parazzi..kitang kita naman na nag enjoy si james at tricia kasama ang mga kids.
    spread the love it’s JACIA

  10. Thanks PinoyParazzi! Sana po ay mabiyayaan po kami ng JACIA number. We miss them so much! I was at the outreach party. Sobrang saya po! At ang dami pong naibahagi sa Virlanie.

  11. We really hope that 2011 is gonna be Jacia’s year. Tricia and james looks good together and they srsly have an undeniable chemistry.

  12. super duper ultra mega love jacia, sana po mapansin ng shoutout ang jacia at sana mabigyan ng production no together :) sobrang grabe ang chemistry ng dalawa :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.