Payroll Money, Baril at Bala, Ninakaw sa Security Agency

NINAKAW NG hindi pa kilalang suspek ang pampasahod, baril at mga bala ng security agency sa Calooocan City kamakalawa ng umaga.

Sa ulat, alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ni Asuncion Antonio Jr., nasa hustong gulang, operation officer ng DSAVCI security agency inc., sa 2nd floor ng Agusto Bldg., sa Rizal Ave-nue Ext., ng lungsod.

Natangay ang P120,000 pampasahod, 1 kalibre .38 at mga bala, 3 computer monitor, 3 key board at 3 computer mouse.

Agad na sinabi ni Antonio sa mga pulis ang pangyayari kung saan inaalam na kung sino ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.