Payo sa mga baklang artista na pa-mhin
BB Gandanghari: Umamin na kayo para humaba ang buhay n’yo!

MAY PAYO si BB Gandanghari sa mga ayaw pa rin daw magladlad. Payo niya sa mga kapwa niyang artista bakla na naglalaki-lakihan pa: “Hahaba ang buhay ninyo kung aamin na kayo. Makakawala kayo sa matinding stress.”

Reaction naman niya sa pagseselos ni Mariel Rodriquez sa kissing at love scene nina Robin Padilla at Kris Aquino sa seryeng Kailangan Ko’y Ikaw: “Nag-asawa siya ng isang Robin Padilla, eh. Ano ang magagawa natin?”

Dapat nga raw ay masanay na si Mariel dahil malakas daw talaga ang charisma ng utol niya at lapitin ng babae. Saka wala naman daw dapat ipagselos si Mariel dahil trabaho lang ginawa nina Robin at Kris sa love scene nila sa serye.

“Ang tatanda na nila and they are all mature people. Siguro naman, alam na nila ang mga ginagawa nila,” hirit pa ni BB.

 

KAYA PALA pinagpapala ang isang Coco Martin ay ma-runong tumingin sa pinanggalingan not like ng iba riyan na nang magkapangalan or sumikat ay biglang nagbabago.

Iba si Coco, dahil nang sorpresahin siya ni German Moreno sa presscon ng kanyang movie na A Moment In Time with Julia Montes, tahasang sinabi ng actor na hinding-hindi niya makakalimutan ang ibinigay na importansya sa kanya ni Kuya Germs.

“Kuya Germs, salamat po sa binigay ninyong importansiya sa akin noong ako ay nagsisimula pa lang sa showbiz. Binigyan ninyo ako ng pagkakataon makapag-promote sa TV show ninyo kahit hindi pa ako kilala at baguhan pa lang. Salamat po Kuya Germs,” pahayag ni Coco.

Kaya naman sa pagse-celebrate ng 50th year anniversary ni Kuya Germs sa May, sinigurado ni Coco na isa siya sa mga darating para sa anniversary presentation ng nag-iisang Master Showman na si German Moreno.

Bongga ang pagse-celebrate ng Golden Year ni Kuya Germs dahil magsisilbi na rin itong thanksgiving party niya sa lahat ng press na tumulong sa kanyang showbiz career hanggang ngayon.

Malalaking cash at pa-raffle ang inihanda raw ni Kuya Germs sa lahat ng mga imbitadong press sa pagse-celebrate niya ng Golden Year in showbiz.

Sabi ni Kuya Germs, sana raw ay dumating ang mga inasahan niyang artista sa kanyang celebration. Maging ito raw ay galing pa sa iba’t ibang TV network.

 

KAHAPON, FEBRUARY 14, ang birthday ni Kris Aquino at ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan sa isang bagong beach resort sa Siargao kasama ang mga anak at kaibigang si Zsa Zsa Padilla.

Samantala, inunahan na ni Kris ang mga press na nakatanggap ng sulat ang ABS-CBN mula sa GMA 7, na may kinalaman ang sulat sa interview niya kay Congressman Manny Pacquiao na nangyari sa General Santos City noong nakaraang Linggo na naka-schedule sanang ipalabas sa kanyang morning show na ang Kris TV.

“Uunahan ko na. Nakakuha kasi kami ng letter ga-ling sa GMA na bawal si Manny Pacquiao. Puwede siyang makita pero bawal marinig ang interview sa kanya. So, huwag ninyo nang kuwestyunin kung bakit si Jinkee lang nagsalita. In-edit na namin para ma-air pa rin naman. That airs this Friday. So, sorry ha? Inunahan ko na para walang gulo at para hindi ma-TRO ‘yung episode,” paliwanag ni Kris.

Sinagot din ni Kris ang isyu na disappointed siya habang pinipirmahan ang tseke na nagkakahalaga ng mil-yun-milyong piso na bahagi ng settlement nila ng kanyang ex-husband na si James Yap na tinawag niya sa kanyang Tweet na: “you know who”. Reportedly, P40 million ang halaga ng tseke na ibinigay ni Kris kay James.

“Mahirap talagang mag-sign ng mga papeles na ganoon. Pero tapos na ‘yun, and God is really good. Right after that, Boy called ‘you have two endorsements’. Hindi tulog ang Diyos. Times twenty ‘yung ibinigay na endorsement na kapalit noong pinirmahan ko.”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

16 thoughts on “Payo sa mga baklang artista na pa-mhin
BB Gandanghari: Umamin na kayo para humaba ang buhay n’yo!

  1. Nasasabi mo lang yan BB dahil di kayo nagkaanak ni Carmina. Kung nagkaanak kaya kayo, maglalakas loob ka pa rin kayang magladlad kesihodang malaman ng anak mo na bakla ang tatay nila?

    • dapat magpaka totoo na lang sila,,,,kaysa naman habang buhay silang kinukutya,,,alam na naman ang madlang pipol, tulad niyan, nakita na namang magkasawa sina Papa P. at Mark B. mag come out na sila….baka i respeto pa siya,,

  2. Bakit ba BB baklang hari ang hilig mong paki-alaman ang buhay ng may buhay? … it was your choice kung nag-come out ka ng kabaklaan mo at dapat ba na mangahulugan na dapat kung ano ang choice mo e ganon din ang maging choice ng ibang tao? … ‘wag ka na gumamit ng ibang celebrities para sumikat dahil hindi na mangyayari! bakit? ikaw na rin ang makasasagot ng katanungan na ‘yan!

  3. palagay ko  malabong mgyari ung pinakahihintay nating pg-amin o pglaladlad ni mama p, sa tingin ko dadalhin nanya ung sikretong un hanggang sa kabilang buhay ikanga nila….zempre hindi nya hahayaang mawala ang respeto sknya ngmga tao khit pa sabihin ng ibana tanggap na ngaun angmga bading…tsaka halimbawang umamin za ano dapat maging parusa nyasa matagal ng pgsisinungaling nya at pggamit pasa relihiyon nyana hindi dawza ngsisinungaling dhil bawal sknila ang mgsinungaling….akala mo naman sa born agen lang ang bawal o kasalanan ang mgsinungaling….

  4. a kyapala ganun, napansin konga ung bkit di ngsasalita  c pacquaio akala konga wala sa mood c pacquiao kya di ngsasalita at bkit diza tinatanong c kris…. anoba namang kaartehan un bkit pinagbawalan pang mgsalita e pinayagan nangang mgguess tsaka dinaman ata xclusive c manny  sa gma…

  5. Nku BB BAKLANGHARI mgtigil k! Keep ir 4urself  u hve no right pra msalita ng gnyan wala kng kwenta wg kn mgpkakonteobersyal dhil d k nmn pinapansin na! Mxado k paPansin pakamty knlng tutal d k nmn tanggap ng pamilya mo!

  6. GO BB! MUKHANG PINATATAMAAN NYA ANG EX NYANG SI MAMA P. TAMA NGA NAMAN, ILANG TAON NA LANG EH 40 NA ANG MAMA P NYO. SO GAGAYA BA SYA KAY BB NA MAGLALADLAD SYA KAPAG 40 NA? WELL, DI DAPAT SILA PILITIN. WAG NA LANG GAGAMIT NG GIRLALOO. BAD YON. 

    ANG CHARISMA NI COCO EH MAINLY DAHIL SA MASA APPEAL NYA. SYEMPRE, GALING SA HIRAP. DI MO SYA KAKIKITAAN NG KAARTEHAN SA KATAWAN. PATI NGA SA MGA INTERVIEWS, KAILANGANG TAGALUGIN ANG QUESTIONS GAYA NUNG SA IKAW NA SEGMENT NI ATE BOY. HIS FANS ARE WILLING TO LOOK PAST HIS DARING GAY INDIE FLICKS, HIS FRONTAL NUDITY SCANDAL, HIS SEEMING LACK OF RESPONSIBILITY TO HIS LOVECHILD WITH KATHERINE LUNA, AND HIS MUCH OLDER AGE COMPARED TO JULIA MONTES’. 

    AT LEAST KAHIT PAPANO, PINAPAHIRAM NG GMA ANG MGA TALENTS NILA SA DOS, LIKE DINGDONG AND PACQUIAO. MERON NA BANG ABS TALENT NA HINIRAM NG GMA? ANG GMA AT TV5 NAMAN, NAGPAPALITAN NG HIRAMAN NG TALENTS, LIKE DEREK SA EAT BULAGA. SI DANIEL MATSUNAGA NAMAN EH NAHIHIRAM NI TETAY FROM TV5.

    • kc  nman  kung magpapahiram ang ABS-CBN sa Gma talo nman sila, d hamak nman mas madaming sikat na artista sa ABS kumpara sa GMA. kung hihiramin nila si Coco martin, sino ipangtapat nilang artista don?
      dati nagpalitan sila dba, si kc at Richard G. nagka pelikula sila, nong nagka movie nman si regine at piolo, pinag guest si Piolo kay regine. 

      • YAHAHAHHA   TANGA MO,,,,MASYADO KASING SWAPANG YANG MALASWANG NETWORK NA YAN,,,HAHAHHA…KITA MO NAKAKARMA.NA…MASYADONG MA TENSION SA LOOB DIYAN,,,HAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.