Pawnshop, Nilooban ng May-ari ng Barbershop

BIGONG MAARESTO ng mga awtoridad ang isang barbero, na mag-isang nanloob sa isang pawnshop sa Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan .

Sa ulat ni OIC P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang tumakas na suspek na si Arnold Aytona nasa hustong gulang, tubong-Bicol, may-ari ng Arnold Barbershop, sa  Villarama Highway sa bayang ito.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, winasak ng suspek ang dingding na plywood ng Luckywell Pawnshop sa nabanggit na lugar, kung saan tinangay ng suspek ang iba’t ibang uri ng mamahaling cellphone.

Nabatid sa stay-in sales clerk na si Jonalyn Arbiso, na Abril 12 pa nakasarado ang naturang pawnshop, at nito lamang Lunes nadikubreng  nawawala na ang mga laman nito, kung saan nakita nito ang sinirang plywood na katabi ng ba-bershop.

Tinatayang aabot sa halos kalahating milyong piso ang natangay ng tumakas na suspek. Kaugnay nito’y patuloy naman ang  isinasagawang  manhunt operation ng  mga pulis laban sa suspek.

(TONY DELA PEÑA)  

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.